DENR gagamit ng modernong mapping system para sa rehabilitasyon ng Marawi City

By Isa Avendaño-Umali July 10, 2018 - 10:59 PM

Gagamit ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng modernong “mapping system” sa pagsasa-ayos sa Marawi City, na lubos na nawasak sa giyera noong nakalipas na taon.

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, sa pamamagitan ng mapping system ay mapapanatili ang kaayusan sa isyu ng “land disputes” habang nagpapatuloy ang recovery and rehabilitation program sa lungsod.

Sinabi ni Cimatu na ang gagamitin ay ang tinatawag na geographic information system (GIS) land mapping and information system na tutukoy naman sa dati nang pribado at pampublikong techinal and physicial land boundaries sa Marawi City.

Maliban dito, sinabi ng kalihim na kukuha ng impormasyon ukol sa lahat ng formal at informal settlement descriotions at delineations o sukat ng mga lugar na matinding naapektuhan ng bakbakan.

Paliwanag ni Cimatu, ang nabanggit ay parte ng “environment peacebuilding strategy” dahil sa ang DENR ang naatasang mangasiwa sa Conflict Management Unit ng Land Resources Management sub-committee ng Task Force: Bangon Marawi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.