PNIA itinangging nasa likod ng hindi paglusot ni Gina Lopez sa CA

Pinabulaanan ng Philippine Nickel Industry Association (PNIA) ang sabwatan umano ng mga magmimina para pigilan ang appointment kay Gina Lopez bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ipinahayag ni PNIA president Dante Bravo na walang nangyaring sabwatan kaugnay nito.

Iginiit ni Bravo na hindi lamang si Lopez ang natatanging opisyal na hindi lumusot sa CA.

Kasabay nito, nanawagan si Bravo na kilalanin din ang mga nagawa ng PNIA gaya na lamang ang pagiging seryoso nito sa environmental compliance.

Pinalutang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usapin ng pagkakaroon umano ng sabwatan sa industriya ng pagmimina para mapatalsik si Lopez dahil sa pagtuligsa nito sa negosyo sa pagmimina.

Read more...