MMDA magsasagawa ng earthquake drill ngayong buwan

Magsasagawa ng earthquake drill ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong buwan.

Gayunman, ayon kay MMDA General manager Jojo Garcia, hindi iaanunsyo kung kailan ito isasagawa. Aniya, ipaaaalam na lamang ito sa publiko sa mismong araw kung kailan isasagawa ito.

Ipinahayag ni Garcia na nais kasi ng MMDA na maging mas malapit sa realidad ang isasagawang pagsasanay.

Sinabi ng opisyal na walang sinumang makakaalam kung kailan mangyayari ang lindol kaya dapat na maging handa ang lahat anumang oras.

Samantala, ayon kay Metro Manila Shake Drill secretariat Michael Salalima, ipakakalat ng telecommunication companies ang shake drill sa pamamagitan ng text messages.

Read more...