Pangulong Duterte nagkibit-balikat sa pagbaba ng kanyang satisfaction rating
Walang pakialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsadsad ng kanyang net satisfaction rating.
Base sa pinakahuling survey ng social weather stations, bumagsak ng labing isang puntos ang kanyang net satisfaction rating.
Ayon sa pangulo, wala siyang pakialam kahit na gawin pang 15 puntos ang pagbaba ng kanyang rating.
Iginiit pa ng pangulo na wala na siyang interes sa mga rating.
Aminado ang pangulo na hindi na siya popular ngayon.
Hinimok pa ng pangulo ang kongreso na maghanap na lamang ng popular na lider na maaring pumalit sa kanya
“SWS survey went down net satisfaction fr plus 50 to plus 45] Bumaba? I do not care. Make it 15. Wala na ako dyan. It does not interest me at all. Basta ako coast along na lang ako. Just travelling the….and with the new suggestion since im not popular anymore, Congress might decide to find a popular one. You want a popular president? Fine. Good”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.