Mga sasakyang nakaharang sa mga ‘Mabuhay lane’ hihilahin na ng MMDA

By Jay Dones October 22, 2015 - 04:19 AM

 

Mula sa mmda.gov.ph

Sisimulan na ng Metro Manila Development Authority o MMDA at iba pang mga ahensya ng gobyerno ang paghihila ng mga nakaparadang sasakyan sa mga ‘Mabuhay o Christmas Lane’ sa pagpasok ng buwan ng Nobyembre.

Ito ang napagkasunduan sa pagpupulong ng Technical working group ng Task Force EDSA na pinangunahan nina Cabinet Secretary Rene Almendras, MMDA OIC Atty. Emerson Carlos at TF EDSA Commander Sr. Supt. Fortunato Guerrero.

SA advisory ng MMDA, simula November 1, 2015 hanggang January 2, 2016 ipagbabawal ang mga sasakyang nakaparada sa mga lansangan sa mga itinalagang mga Christmas o Mabuhay lanes.

Magpapakalat ang MMDA at Highway Patrol Group ng mga tow truck sa mga itinalaga bilang mga ‘Mabuhay lane’ at magsisimulang manghila at mang-impound ng mga nakaparadang sasakyan sa naturang mga lansangan.

Nong September, 17 mga ruta mula south hanggang northern part ng Metro Manila ang tinukoy ng Technical Working Group ng MMDA bilang mga Mabuhay Lane o express lane upang mabawasan ang dami ng mga sasakyan sa kahabaan ng EDSA.

Karaniwang nadadagdagan pa ang volume ng mga sasakyan sa mga lansangan sa pagpasok ng Christmas Season.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.