Pangulong Duterte sinabing imposibleng tuluyang matigil ang kurapsyon
Impossible dream.
Ito ang ginawang pag-amin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pangako noong panahon ng kampanya na tutuldukan ang korapsyon sa pamahalaan.
Sa talumpati ng pangulo kahapon sa National Micro, Small, and Medium Enterprise (MSME) Summit 2018 at the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Convention Center (ACC) sa Clark Freeport Zone, Pampanga, sinabi nito na imposibleng matuldukan ang korapsyon.
Sa dami ng isla at sa lawak kasi aniya ng pilipinas mahirap mabantayan ang galaw ng bawat opisyal ng pamahalaan.
Gayunman, kung hindi man matutuldukan, pipilitin naman ng pangulo na maibsan ang korupsyon sa gobyerno.
Hinimok din ng pangulo ang publiko lalo na ang mga negosyante na igiit ang kanilang karapatan.
Kapag kasi hindi aniya naging assertive ang mga Filipino ay patuloy na lalaganap ang korupsyon sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.