
Ipagbabawal pa rin ng gobyerno ang mga ‘fashionistang gown’ para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 23.
Sa isang pulong balitaan sa Cavite, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nakagawa naman ng paraan ang mga kababaihan na magmukhang glamoroso kahit na ipinagbawal ang ‘gown’ sa mga nagdaang SONA.
Ayon kay Roque, naging elegante ang mga dumalo sa mga nakaraang SONA sa kabila ng pagpapatupad ng simpleng dress code.
Ang naturang kautusan ng Palasyo ay bilang pagtalima sa kagustuhan ng pangulo na gawing simple ang kanyang ulat sa bayan.
Sa halip na naggagandahan at nagmamahalang gowns at suits ay hinikayat ang mga mambabatas at guests na magsuot na lamang ng business attire.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.