Rapist arestado sa Quezon City

By Justinne Punsalang July 11, 2018 - 03:15 AM

Agad natimbog ng mga pulis ang isang lalaking suspek sa panggagahasa ng menor de edad sa Barangay Masambong, Quezon City.

Nakilala ang suspek na si Randy Depra, 46 na taong gulang at isang construction worker.

Batay sa imbestigasyon ng Quezon City Police District (QCPD) Station 2, bandang alas-4 ng madaling araw ng Lunes nang pasukin ni Depra ang bahay ng 14 na taong gulang na dalagita.

Tinutukan umano nito ng baril ang dalagita at doon sinimulan ang panghahalay.

Upang matigil ang ginagawang panggagahasa sa dalagita ay binantaan nito si Depra na pulis ang kanyang ama.

Sa takot ay agad tumigil ang suspek, ngunit pinagbantaan pa ang biktima na papatayin kung ito ay sisigaw.

Sa pagtakas ni Depra ay nagawa pa nitong pagnakawan ang biktima at tinangay ang kanyang perang nagkakahalaga ng P320.

Nakuhanan pa ng CCTV si Depra sa kanyang pagtakas mula sa bahay ng biktima, kung saan makikita na tila nag-aayos pa ito ng suot na shorts.

Agad na nagkasa ng followup operation ang mga otoridad na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek.

Nang makaharap ng suspek ang kanyang biktima, lumuhod ito at humingi ng tawad. Depensa ng suspek dala lamang ng kalasingan ang kanyang ginawa. Ngunit hindi ito tinanggap ng biktima na desididong sampahan ng kaukulang kaso si Depra.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.