Lumabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Gardo.
Ayon sa Pagasa, dakong 6:00 Martes ng gabi ay lumabas na ng bansa ang bagyo.
Huli itong namataan 585 kilometers northeast ng Basco, Batanes.
Pero sinabi ng Pagasa na patuloy na nakakaapekto ang bagyo sa Hanging Habagat na nagpapa-ulan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Inihayag ng ahensya na 2 hanggang 4 na bagyo pa ang posibleng maranasan sa buwan ng Hulyo.
Ang lumabas na Bagyong Gardo ay inaasahang sunod na makakaapekto sa Taiwan at bahagi ng Japan at China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.