Lahat ng 12 bata at kanilang coach na na-trap sa kweba sa Thailand, nailigtas na

By Len Montaño July 10, 2018 - 08:40 PM

Photo from Royal Thai Navy via AP

Nailigtas na ang lahat ng 12 batang lalaki na miyembro ng isang soccer team at kanilang coach na na-trap sa kweba sa Thailand.

Ayon sa Thai Navy SEALS, natapos ang operasyon para iligtas ang mga bata at kanilang coach na tumagal ng mahigit 2 linggo.

Nailigtas ang huling 4 na bata at kanilang coach araw ng Martes at ayon sa otoridad ligtas lahat ang mga ito.

Hinintay na lang ng SEAL ang medic at ang 3 pang Navy SEALs na nanatiling kasama ng mga bata hanggang makalabas sila lahat ng kweba.

Agad na isinakay sa ambulansya ang huling mga nailigtas at dinala sa pagamutan.

Una nang nakuha mula sa kweba ang ika-9 na bata sa ikatlong araw ng rescue operation.

Ang mga bata at kanilang coach ang bumubuo ng Wild Boar team na na-trap matapos tumaas ang lebel ng tubig sa kweba.

Una rito ay nasawi ang isang diver matapos itong magdala ng oxygen sa loob ng kweba.

TAGS: rescue operation, thailand, rescue operation, thailand

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.