Grab pwede pang iapela ang P10M na multa sa overcharging

By Isa Avedaño-Umali July 10, 2018 - 07:28 PM

Maaari pang maghain ng motion for reconsideration o MR ang Grab Philippines, makaraang pagmultahin ng P10 Million ng Land Transporation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.

Ayon kay Goddess Hope Libiran, ang director for communications ng Department of Transportation o DOTr, ang utos ng LTFRB ay epektibo simula pa kahapon, July 9.

Gayunman, pwede pang maghain ng mosyon ang Grab Philippines.

Sa siyam na pahinang desisyon ng LTFRB, pinagbabayad nito ang Grab Philippines ng P10 Million na multa at kailangang i-reimburse nito ang P2.00 per minute na waiting time charge na nasingil sa kanilang mga pasahero, sa pamamagitan ng rebates.

Nilinaw sa desisyon na ang rebates ay maaaring i-avail sa loob ng dalawampung araw mula sa araw na naging pinal na ang desisyon.

Ang desisyon ay pirmado nina LTFRB Chairman Martin Delgra at Board Member Ronaldo Corpus, habang nag-dissent naman si Atty. Aileen Lizada na isa ring board member.

Samantala, sinabi ng pamunuan ng Grab Philippine na hindi muna sila magkokomento hangga’t mapag-aralan nila ang kanilang susunod na hakbang.

Ayon kay Leo Gonzales, Grab Philippines Public Affairs Head, pinag-aaralan na ng kanilang legal team ang utos ng LTFRB at mag-iisyu sila ng statement sa takdang panahon.

TAGS: delgra, dote, Grab, ltfrb, overcharging, delgra, dote, Grab, ltfrb, overcharging

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.