Bumaba ang net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte, batay sa latest survey ng Social Weather Stations o SWS.
Sa 2nd quarter survey na ginawa noong June 27 hanggang 30, 2018, ang net satisfaction rating ng presidente ay bumaba sa 45%, mula sa 56% noong Marso 2018 o labing isang porsyentong pagbaba.
Bagama’t “good” ayon sa SWS, ito na ang pinakamababang rating ni Duterte mula ng manungkulan siya noong June 2016.
Ang sumunod na pinakamababa ay 48% na naitala noong September 2017, habang ang pinakamataas na net satisfaction rating ng presidente ay 66% na naitala noong June 2017.
Samantala, umaabot sa 65% ng mga Filipino ang satisfied naman sa performance ni Duterte, habang 20% ang disastified at 15% ang undecided.
Ginawa ang survey sa mga panahon na sinabi ng pangulo ang mga katagang “stupid” sa Diyos.
Nakapagtala si Duterte ng pagbaba sa satisfaction rating sa lahat ng bahagi ng bansa. 1,200 respondents na edad 18 pataas ay sumalang sa SWS survey, na mayroong error of margin na plus/minus na tatlong porsyento.