P32.5M ginastos ng PDEA sa pag-upa ng mga motorsiklo
Sinita ng Commission on Audit o COA ang P32.5 million na gastos ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa pag-renta ng mga motorsiklo para sa intelligence and surveillance operations ng mga tauhan nito.
Ayon sa COA, nabigo ang PDEA na isumite ang mga kaukulang dokumento katulad ng area operation at plaka ng mga motorsiklo na nirentahan sa JET Trading.
Ikinatwiran daw ng PDEA na ang mga dokumento ay “confidential” at magiging available lamang kung may approval at security clearance.
Subalit binigyang-diin ng COA na pondo ng bayan ang ginamit ng PDEA kaya dapat na sumailalim ito sa audit review upang malaman kung tama at angkop sa batas ang ginawang paggastos.
Bukod dito, kinuwestyon ng COA ang kawalan ng property acknowledgement receipt o PAR ng mga baril ng PDEA na ipinagamit sa kanilang mga tauhan.
Umaabot sa 898 mula sa 1,403 na mahaba at maikling baril ang walang proper documentation ayon sa COA.
Babala ng ahensya, kung walang tamang dokumentasyon, maaaring magbunsod ito sa “misuse” o maling paggamit ng mga baril.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.