Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Surigao del Norte.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOCS), nairekord ang lindol 5 kilometers Northwest sa bayan ng San Francisco kaninang 3:53 ng hapon.
May lalim itong 5 kilometers at tectonic ang origin.
Naramdaman ang pagyanig sa lakas na intensity 4 sa Surigao City, habang instrumental intensity 5 sa kaparehong lugar.
Walang nai-ulat na pagkasira sa mga ari-arian, pero sinabi ng PHIVOLCS na asahan ang aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.