Freddie Roach gusto pa ring makasama sa training si Pacquiao

By Den Macaranas July 10, 2018 - 04:34 PM SHARE(S):
Inquirer file photo

Umaasa si boxing coach hall of famer Freddie Roach na muli pa rin silang magiging magkaibigan ni People’s Champ Manny Pacquiao.

Bilang patunay sinabi ni Roach na kapag sinabi ng pambansang kamaona sumunod siya sa Malaysia para sa mga huling araw ng paghahanda bago ang kanyang laban sa Linggo ay gagawin niya ito.

Sinabi ni Roach na nakahanda siyang sumalang sa training kasama si Pacquiao kahit na ito ay libre dahil sa pagmamahal niya sa Pinoy boxing icon.

Nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan ng dalawa makaraang matalo si Pacquiao sa mga kamay ng Australian boxer na si Jeff Horn noong nakalipas na taon.

Sinabi ni Roach na dapat mag-concentrate na lamang sa pulitika si Pacquiao at magretiro na sa boxing.

Bagaman ngumiti lamang ang pambansang kamao, batid umano ni Roach na sumama ang loob nito sa kanyang nasabi.

Sa kasalukuyan ay ang kaibigan ni Pacquiao na si Buboy Fernandez ang tumatayong trainer ng Team Pacquiao.

Nasa Malaysia ngayon ang pambansang kamao para sa WBA welterweight title fight kung saan ay makakaharap niya ang mas batang si Lucas Matthysse.

TAGS: Freddie Roach, Jeff Horn, Lucas Matthysse, Malaysia, Pacquiao, Freddie Roach, Jeff Horn, Lucas Matthysse, Malaysia, Pacquiao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.