2 nawawala matapos mahulog sa ilog sa Rodriguez, Rizal

By Dona Domiguez-Cargullo July 10, 2018 - 01:12 PM

Courtesy: Rodriguez MDRRMO

Dalawa katao ang nawawala makaraang mahulog sa ilog habang sakay ng kanilang motorsiklo sa Rodriguez, Rizal.

Naganap ang insidente alas 4:30 ng madaling araw kanina (July 10) sa Barangay San Jose, pagkatapos bumuhos ng malakas na ulan.

Isa sa tatlong sakay ng motorsiklo ang nakaligtas kaya agad itong nakahingi ng tulong sa sinapit ng mga kasama.

Nakilala ang nakaligtas na si Joric Velasco habang ang dalawang nawawala ay sina Eben Selga at Lander Ranara.

Patuloy ang search and rescue operation ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa dalawang nawawala.

 

TAGS: habagat, motorsiklo, nawawala, Rizal, Rodriguez, ulan, habagat, motorsiklo, nawawala, Rizal, Rodriguez, ulan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.