6 na myembro ng basag-kotse gang, timbog

July 10, 2018 - 12:15 PM

Kuha ni Jong Manlapaz

Arestado ang anim na katao na aminadong responsable sa 19 na kaso ng basag salamin o pagnanakaw sa loob ng sasakyan sa Quezon City.

Ilan sa mga insidente ay nakunan pa ng CCT. Makikita sa isang kuha ng CCTV na isang lalaki ang pumunta sa pagitan ng kotse at ng SUV, ilang beses pa niya inikutan ang kotse bago binasag ang salamin, saka kinuha ang gamit at mabilis na tumakas sakay ng motorsiklo.

Gano’n din ang naging diskarte na makikita sa iba pang kuha ng CCTV.

Ang lalake sa nagbasag ng salamin ay nakilalang si Julius Batac, lider ng Batac Basag-salamin robbery group.

Kabilang siya sa naaresto ng pinagsanib na pwersa ng Quezon City Police District at Marikina Police sa Barangay Tañong, Marikina City.

Sa hideout ng grupo, nabawi ng mga pulis ang iba’t ibang gamit, gaya ng mga laptop at cellphone.

Nakilala naman ni Kagawad Jonnet Singaryo ng Barangay San Martin ang isang suspek na kumuha ng P400,000 na kita ng kanyang hardware na nasa loob ng sasakyan.

Aminado naman ang mga suspek na sila ang responsable sa mga nakawan sa mga nakaparadang sasakyan sa Quezon City.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.