Yellow rainfall warning, itinaas sa Batangas

PAGASA

Nagtaas ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa Batangas.

Sa inilabas na impormasyon ng weather bureau, itinaas na yellow warning sa nasabing lalawigan bunsod pa rin ng umiiral na southwest monsoon o hanging Habagat.

Dahil dito, inaasahan ang mahina hanggang sa katamtamang lakas ng pag-ulan sa Bataan at Cavite sa loob ng dalawang hanggang tatlong oras.

Nagpaalala rin ang PAGASA na maging alerto sa posibleng pagbabaha sa mga residenteng nakatira sa mababang lugar.

Samantala, as of 10:00 ng umaga, huling namataan ang Bagyong Gardo sa layong 635 kilometers Northeast ng Basco, Batanes.

Read more...