6,000 pulis ikakalat sa paligid ng Batasan sa SONA ng Pangulo
Aabot sa 6,000 pulis ang itatalaga para bantayan ang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mababang Kapulungan ng Batasang Pambansa sa Quezon City.
Ayon kay National Capital Region Police Office chief Guillermo Eleazar, ang 6,000 na pulis ay manggagaling lamang sa Quezon City Police District, habang ang karadagang pulis ay magmumula sa Eastern Police District, Manila Police District at Southern Police District.
Tiniyak naman ni Eleazar na ipapatupad nila ang maximum tolerance, habang pag-uusapan pa nila kung hanggang saan lamang papayagan ang mga militante na pwedeng mag-rally.
Ayon naman kay Quezon City Administrator Aldrin Cuña, wala pa silang natatanggap na sulat mula sa mga militante na humihiling ng permit para makapag-rally.
Samantala, kukunin pa rin nila ang pasya ni Mayor Herbert Bautista kung ipapaliban ang klase sa araw ng mismo sa SONA ng pangulo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.