South Korean, hinarang sa Clark Int’l Airport dahil sa droga at armas

AUGUST 31, 2014
THE CLARK International Airport in the Clark Freeport in Pampanga province is an important infrastructure that helps boost economic development in northern and central Luzon. PHOTO BY TONETTE T. OREJAS/INQUIRER Central Luzon

Hinarang sa Clark International Airport ang isang South Korean matapos mahulihan iligal na droga, mga baril at mga bala.

Nakilala ang suspek na si Hoseop Yoon na tutulak sana patungong Incheon, South Korea.

Ayon kay Chief Supt. Amador Corpus, hepe ng Central Luzon police, matapos inspeksyunin dakong 12:15 ng madaling araw, narekober kay Yoon ang isang kalibre .22 na pistol na may limang bala, at dalawang sachet ng hinihinalang shabu.

Hindi lisensyado ang baril na nakuha sa pag-aari ni Yoon.

Mahaharap sa kaso ng iligal na droga at iligal na armas ang suspek. /

 

Read more...