Umano’y lider ng NPA, patay sa pamamaril sa North Cotabato

By Rohanisa Abbas July 10, 2018 - 10:55 AM

Pinagbabaril sa harap ng kanyang asawa’t mga anak ang pinaniniwalaang lider ng New People’s Army (NPA) sa Magpet, North Cotabato.

Nasawi ang biktimang si Dominador Favian.

Ayon kay Chief Inspector Jose Molina, hepe ng Mapet police, sinabi ng asawa ng biktima na si Jocelyn Favian na pinasok ng armadong grupo ang kanilang bahay.

Ani Jocelyn, nagmakaawa sila ng kanilang mga anak sa mga suspek pero pinagbabaril pa rin si Dominador.

Tinatayang 10 kalalakihan ang nasa likod ng insidente.

TAGS: Magpet, North Cotabato, NPA, pinagbabaril, tinambangan, Magpet, North Cotabato, NPA, pinagbabaril, tinambangan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.