Ayon kay Quezon police director Sr. Supt. Osmundo de Guzman, naaresto si Jerry Panganiban sa bayan ng Tiaong sa Barangay Talisay dakong 10:45, Lunes ng gabi.
Nakuha sa suspek ang shabu na nagkakahalaga ng P2,000 at isang 22 caliber submachine gun na may kasamang magazine at ilang bala.
Ayon sa pulisya, nagbibigay ng suplay ang mga sindikato ng droga sa ilan sa kanilang drug pushers bilang proteksyon.
Makalipas ang isang oras, naaresto naman ang hinihinalang drug pushers na sina Ronald Allan Hernandez at Rodolfo Atienza sa panibagong operasyon.
Narekober sa mga suspek ang halos ilang gramong shabu.
Samantala, hinuli rin ng otoridad si Christopher Rallos Reyes dahil sa insidente ng indiscriminate firing sa Barangay Isabang, Tayabas bandang Lunes ng hapon.
Nakuha kay Reyes ang isang 1-gauge shotgun na may bala at dalawang pakete ng shabu.
Sa Lucena naman, inaresto rin ang drug pusher na si Alvaro Aguallo sa Barangay Gulang-Gulang matapos mahulihan ng anim na pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P1,000.