Pagpaslang kina Halili, Bote at Lubigan, walang ugnayan – DOJ
Inihayag ng Department of Justice (DOJ) na walang ugnayan ang tatlong insidente ng pagpatay sa ilang lokal na opisyal sa bansa.
Sa ipinadalang mensahe ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa Radyo Inquirer, ito ay batay sa lumabas na datos ng isinagawang inisyal na imbestigasyon sa magkakasunod na kaso ng pagpatay.
Sa ngayon, wala pa aniyang isinusumiteng pinal na resulta ng imbestigasyon dito.
Matatandaang pinatay si Tanauan, Batangas City Mayor Antonio Halili noong July 2 habang July 3 tinambangan si Gen. Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote at July 7 naman pinagbabaril si Trece Martires, Cavite Vice Mayor Alexander Lubigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.