Ilang kalsada sa CAR sarado sa traffic

Nananatiling sarado sa daloy ng traffic ang ilang mga kalsada sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Kabilang sa hindi pa rin pinadaraanan sa mga motorista ay ang Kennon Road.

Sa abiso ng Department of Public Works and HIghways – CAR, ang mga patungo at galing ng Baguio City ay hindi muna maaring makadaan sa nasabing lansangan bunsod ng mga naitalang landslides.

Sarado rin ang bahagi ng Abra-Ilocos Norte Road at maaring gamiting alternatibong ruta ng mga motorista ang Abra-Ilocos Sur Road at ang McArthur Highway.

Sarado rin sa daloy ng traffic ang bahagi ng Acop-Kapangan-Kibungan-Bukun Road sa Benget.

Ayon sa DPWH patuloy ang clearing operations sa mga apektadong kalsada at muli silang maglalabas ng abiso kung bubuksan na ang mga ito sa traffic.

 

Read more...