Ikinakasa na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapadala ng mga sundalo, engineer at duktor sa Japan.
Ito ay para tumulong sa Japan sa rescue at rehabilitasyon matapos ang matinding pagbaha na ikinamatay ng mahigit isandaang katao.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ang natalakay sa cabinet meeting Lunes ng gabi na ipinatawag ng pangulo.
Magpapadala rin aniya ang Pilipinas ng mga gamot sa Japan.
Sa pinakahuling tala, umabot na sa 122 ang nasawi sa pagbaha sa Japan.
MOST READ
LATEST STORIES