Pagbaba sa pwesto ni Pang. Duterte sa 2019, ikinagulat ng mga miyembro ng gabinete

By Chona Yu July 10, 2018 - 07:52 AM

Aminado si Presidential Spokesperson Harry Roque na labis na pagkagulat at pagkalungkot ang naramdaman ng mga miyembro ng gabinete nang ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na gusto na niyang bumaba sa pwesto sa taong
2019 sakaling maisulong na ang federal constitution.

Ayon kay Roque, hindi maikakaila na paulit-ulit nang sinabi ng pangulo na pagod na siya sa panunungkulan bilang pinakamataas na lider ng bansa.

Sinabi ni Roque na hindi inakala ng mga miyembro ng gabinete na seryoso pala ang pangulo sa pagbaba sa pwesto sa taong 2019.

Sinabi pa ni Roque na desidido na ang pangulo na magkaroon ng transition leader na papalit sa kanya at nais din ng pangulo ng mas bata.

Hindi naman tinukoy ni Roque kung sino ang nasa isip ng pangulo na maaaring magsilbing transition leader.

Sakaling maaprubahan ang federal constitution, magkakaroon ng eleksyon para sa transition president at matatapos din ang termino ng pangulo kahit wala pang 2022.

Aminado si Roque na maging siya ay nalungkot dahil inaasahan pa niyang magsisilbi ng pangulo hanggang sa 2022 base anya ito sa itinatakda ng batas.

TAGS: Harry Roque, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, Harry Roque, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.