Brgy. Captain sa Cebu City sinipa sa partido dahil sa viral video ng pagkompronta sa 2 hotel staff

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 10, 2018 - 07:49 AM

Pinatalsik sa kinabibilangang political party ang babaeng kapitan ng barangay sa Cebu City matapos insidente ng pagkompronta at pananakit sa staff ng Waterfront Hotel.

Nag-viral ang kuha ng CCTV kung saan makikita si Mabolo Barangay Captain Niña Mabatid kasama ang isang Ramon Floresta na kinokompronta ang empleyado ng naturang hotel

Matapos mapanood ang video, nagpasya si Cebu City Mayor Tomas Osmeña na sipain na sa partidong Bando Osmeña Pundok Kauswagan (BOPK) si Mabatid.

Makikita sa video ang tila pakikipagtalo Mabatid at Floresta sa empleyado na naganap noong June 19 ng umaga.

Sa blotter report, isinalaysay ni Irene Lacerna, security manager at naka-duty na front desk nang mangyari ang insidente na nadinig niya ang malakas na boses ng galit na babae nan ang kaniyang lapitan ay si Mabatid pala.

Nagpakilala umano sina kina Mabatid at Floresta, pero nagpatuloy umano ang kapitana sa pagsigaw at pagduro sa lalaking empleyado.

Ani Lacerna, halatang nakainom noon si Mabatid

Siniko pa ni Floresta si Larcena sa kaniyang dibdib. Nakita rin sa CCTV na sinuntok ni Floresta ang isang lalaking hotel staff.

Kapwa nagsampa ng reklamo sa Office of the Ombudsman sa Visayas ang dalawang staff ng hotel laban kay Mabatid.

TAGS: Cebu City, Mabolo Barangay Captain Niña Mabatid, Waterfront Hotel, Cebu City, Mabolo Barangay Captain Niña Mabatid, Waterfront Hotel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.