Sa abiso ng kumpanya, simula sa taong 2020, aalisin na ang lahat ng straw sa 28,000 nilang stores sa buong mundo bilang pakikiisa sa pagsugpo sa polusyon na idinudulot ng disposable plastic.
Ayon sa Starbucks, sa halip na plastic straws, gagamit na lang sila ng recyclable lids na may maliit na opening na idinaan pa sa serye ng testing sa US at Canada.
Mula sa nasabing taon, ang mga malalamig na inumin ng kumpanya ay ihahain gamit ang baso na mayroong sipping lid.
Gayunman, sa mga produkto nilang “frappuccino”, na mayroong halong yelo, gagamit ang Starbucks ng paper straws.
Marami namang grupo kabilang na ang “Ocean Conservancy” ang natuwa sa pasya ng kumpanya.