Metro Manila at mga kalapit na lalawigan maagang inulan
Nakaranas ng malakas na buhos ng ulan ang Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.
Alas 5:00 ng umaga, itinaas ng PAGASA ang yellow rainfall warning sa Zambales at Bataan dahil sa malakas at tuluy-tuloy na pag-ulan na naranasan dulot ng Habagat na pinalalakas ng bagyong Gardo.
Light hanggang moderate at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang nakaaapekto sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Pampanga at Bulacan na maaring tumagal ng 2 hanggang 3 oras.
Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na maging maingat sa posibleng pagbaha at landslide.
Ayon sa PAGASA, muli silang maglalabas ng rainfall warning mamayang alas 8:00 ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.