Bagyong Gardo, napanatili ang lakas; yellow rainfall warning nakataas sa Zambales
Makararanas ng malakas na pag-uulan ang lalawigan ng Zambales, kung saan kasalukuyang nakataas ang yellow rainfall warning.
Heavy rainfall advisory number 1 kaninang alas-3 ng madaling araw ng PAGASA inaabisuhan ang mga residente ng Zambales na mag-ingas sa posibilidad ng pagbaha partikular sa mga mabababang lugar.
Makararanas naman ng mahina hanggang sa katamtaman, na paminsan ay mabigat na pag-uulan ang Metro Manila at mga lalawigan ng Batangas, Cavite, Rizal, Bataan, Pampanga, Bulacan, at Nueva Ecija.
Mag-tatagal ito hanggang tatlong oras.
Samantala, sa 11PM weather advisory naman ng PAGASA ay nakasaan na napanatili ng bagyong Garda ang lakas nitong 185km bawat oras at may pagbugsong aabot naman sa 225km kada oras.
Patuloy itong kumikilos sa direksyong kanluran-hilagangkanluran sa bilis na 30kph.
Huling namataan ang naturang bagyo sa layong 860km silangan-hilagangsilangan ng Basco, Batanes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.