Nakatakda na ang muling pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong araw.
Mamayang alas-6 ng umaga ay epektibo na ang dagdag-presyo.
35 sentimo ang itataas sa kada litro ng diesel. 40 centavos naman ang madaragdag sa halaga ng bawat litro ng gasolina, habang ang kerosene o gaas naman ay tataas ng 70 sentimo bawat litro.
Kabilang sa mga nag-anunsyo ng dagdag-singil ang mga kumpanyang Flying V, Jetti, Petro Gazz, Petron, Phoenix Petroleum, PTT, Total, at Shell.
Ang naturang paggalaw sa halaga ng mga produktong petrolyo ay bunsod pa rin ng pagtataas ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.
MOST READ
LATEST STORIES