2 kilo ng marijuana, nasabat sa Pasig City

By Justinne Punsalang July 10, 2018 - 04:34 AM

Arestado ang apat katao matapos magkasa ng buy bust operation ang mga otoridad sa Barangay Sta. Lucia, Pasig City.

Nakilala ang mga suspek na sina Frenklin Ramos alyas Jhun, 25 taong gulang; Jose Maria Lapid alyas Joey, 24 na taong gulang; Zackaria Bansil alyas Jack, 21 taong gulang; at Xavier Allan Reymundo, 30 taong gulang.

Si Lapid ay sinasabing anak ng artista na si Jess Lapid.

Ayon sa mga pulis, isang concerned citizen ang dumulog sa kanilang upang iulat ang tunkol sa kalakaran ng iligal na droga sa lugar.

Nasamsam mula sa mga ito ang tatlong bungkos ng marijuana na tinatayang mayroong bigat na 2 kilo at street value na tinatayang aabots sa P60,000.

Bukod pa ito sa nakumpiskang dalawang plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana at isang sachet na naglalaman naman ng mga hinihinalang butong pampunla ng marijuana.

Ang mga suspek at itinuturing na big time drug pusher ng Pasig City Police.

Mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: buy bust operation, Marijuana, Pasig City, buy bust operation, Marijuana, Pasig City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.