Pangulong Duterte, pupunta sa Malaysia sa darating na linggo
Bibisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang muling halal na Prime Minister ng Malaysia na si Mahathir Mohamad sa paparating na linggo.
Ito ang inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos ang pag-uusap ng dalawang mga pinuno bago isinagawa ang kanilang Cabinet meeting kahapon.
Ayon kay Roque, sa July 16, araw ng Lunes, nakatakdang magkita sina Pangulong Duterte at Mohamad.
Pag-uusapan umano ng dalawa ang tungkol sa insurgency at ISIS.
Dagdag pa ni Roque, sinabi umano ng pangulo na isa pang agenda niya sa pagpunta sa Malaysia ang panonood sa laban ni Manny Pacquiao kontra kay Lucas Matthysse sa Linggo, July 15.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.