Apat pang miyembero sa soccer team na na-trap sa isang kweba sa Thailand ang matagumpay na nailigtas.
Sa kabuuang bilang nasa walo na ang ligtas na nailabas sa kweba kaugnay ng isinasagawang rescue operation.
Nitong Linggo nang magsimula ang high-risk rescue operation para sa 12 miyembro ng soccer team at kanilang coach na na-trap.
Una nang nailigtas ang apat na miyembro ng soccer team kahapon, araw ng Lunes.
Ayon kay Chiang Rai acting Gov. Narongsak Osatanakorn, nanatiling nasa maayos na estado ang isinasagawang operasyon.
Aniya, kanila pang bibilisan ang rescue operation dahil sa pangambang pag-ulan sa lugar.

Una dito ay nagtungo ang soccer team at kanilang coach sa Tham Luang Nang Non cave noong June 23 pagkatapos ng soccer practice nang biglang magkaroon ng rainstorm at bahain ang nasabing kweba.
Kaugnay nito, may apat pang miyembro ng soccer team at kanilang coach ang natitirang nasa loob ng nasabing kweba.