Sara Duterte, natuwa sa pagkakasama sa top 12 possible senatorial bets survey ng Pulse Asia
Natuwa si Presidential Daughter at Davao City Mayor Sara Duterte matapos makasanma sa top 12 na posibleng senatorial bets base sa resulta ng June 2018 Nationwide Survey ng Pulse Asia para sa May 2019 senatorial elections.
Isinagwa ang nasabing survey mula June 15 hanggang June 21, 2018 sa 1,800 na mga rehistradong botante.
Nakakuha si Sara ng 46.2% level of support na may ranking na 3rd hanggang 5th.
Kasama din sa nakapasok sa top 12 ng nasabing survey sina ang ilang incumbent at dating mga miyembro ng Kongreso.
Nanguna si Senator Grace Poe sa surbey na may voter preference of 67.4%, habang pumangalawa naman si Dating Senador at Taguig City Representative Pia Cayetano.
Pasok din sina sa mga posibleng pumasok sa magic 12 sina Senator Cynthia Villar, dating Senador Jinggoy Estrada, Bureau of Corrections Chief Bato Dela Rosa, Senator Aquilino Martin Pimentel III, Senator Nancy Binay, mga dating Senador na sina Sergio Osmeña, Lito Lapid, Senator JV Ejercito at Senator Paolo Benigno Aquino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.