Pangulong Duterte, inaprubahan at ieendorso sa Kongreso ang draft federal constitution ng ConCom
Inaprubahan at iiendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginawang draft federal constitution ng Consultative Committee (ConCom).
Ayon kay ConCom spokesperson Ding Generoso, matapos matanggap ni Pangulomng Duterte ang nasabing draft at sinabi nito na kanya itong inaaprubahan at kanya ring ieendorso.
Pinarerebisa naman ng pangulo na magkaroon ng prbisyon na nagsasaad na maari na siyang bumaba sa pwesto sa transition period kapag natuloy ang pagpapalit ng porma ng gobyerno.
Una ng iginiit ni Duterte na hindi siya mananatili sa pwesto kapag naging Pederalismo na ang pamahalaan ng Pilipinas.
Kaugnay ito ng pagbatikos ng mga kritiko sa pagtulak ng pangulo at ng mga kaalyado nito na pagbago sa konstitusyon para manatili sa kapangyarihan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.