Santo Papa ipinagdasal ang mga biktima ng baha sa Japan

AP File Photo

Nagpahayag ng pakikiisa si Pope Francis sa mga biktima ng baha sa Hiroshima, Japan.

Sa isang mensahe ay nagpaabot ng pakikiramay ang Santo Papa sa mga nasawi dahil sa naturang sakuna at kanilang mga naiwang pamilya.

Ayon pa sa Santo Papa, ipinagdarasal niya ang mga biktima ng pagbaha at kasabay nito ay ipinagdarasal niya rin ang mga nagsasagawa ng search and rescue operations.

Sa huling datos ay aabot na sa 100 ang pinaniniwalaang nasawi, habang 80 namang iba pa ang unaccounted for.

Samantala, iminungkahi ni European Union (EU) chief Donald Tusk na ipagpaliban muna ang nakatakdang summit kasama si Japanese Prime Minister Shinzo Abe.

Sa Miyerkules kasi ay nakatakdang bisitahin ni Abe si Tusk upang lagdaan ang free trade pact kasama ang EU.

Ayon kay Tusk, handang tumulong ang EU sa Japan at handa rin silang ipagpaliban na lang sa susunod na linggo ang EU-Japan Summit na posibleng gawin na lang sa Tokyo imbes na sa Brussels.

Read more...