Surigao del Sur, niyanig ng lindol

Naramdaman ang isang magnitude 3.5 na lindol sa Bayabas, Surigao del Sur alas-8:53 ng gabi ng Lunes.

Sa abiso na inilabas ng PHIVOLCS, naitala ang episentro ng lindol sa layong 43km hilagangsilangan ng Bayabas.

May lalim na 5km ang pagyanig at tectonic ang pinagmulan.

Ayon pa sa PHIVOLCS, walang naitalang pagkasira ng mga ari-arian o anumang istraktura ang lindol. Wala ring inaasahang aftershock sa lugar.

Read more...