3 arestado sa buy bust operation sa Quezon City

By Justinne Punsalang July 10, 2018 - 02:12 AM

Arestado ang tatlo katao, kabilang ang isang binatang menor de edad sa ikinasang drug buy bust operation ng mga otoridad sa Barangay E. Rodriguez, sa Cubao, Quezon City.

Kinilala ang pangunahing target ng operasyon na si Mark Joseph Hernandez, 25 taong gulang; Jerome Casquejo; at isang 16 na taong gulang na binata.

Nasabat mula sa mga ito ang 250 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng P30,000.

Ayon sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Station 7, mga kabataan at mga mag-aaral ang parokyano ng mga suspek.

Mula sa cellphone ng mga suspek ay nakita pa ng mga otoridad ang isang group chat kung saan nagaganap ang kanilang mga transaksyon.

Mahaharap sina Hernandez at Casquejo sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Maging ang menor de edad ay posible ring kasuhan ng naturang paglabag dahil ito ay nasa age of discernment na.

TAGS: drug buy bust operation, Marijuana, quezon city, drug buy bust operation, Marijuana, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.