Malabnaw na BBL, hindi tatanggapin ng MILF

Nagbabala si Bangsamoro Transition Commission Chairman at Moro Islamic Liberation Front Vice Chair Ghadsali Jaafar na hindi nila tatanggapin kung malabnaw ang BBL.

Sinabi nito na mayroon silang tatlong opsyon kapag hindi paborable sa kanila ang BBL.

Gayunman, tumanggi si Jaapar na ibunyag ang kanilang mga plano.

Pero sa ngayon, kumbinsido si Jaafar sa itinatakbo ng Bicameral Conference may kaugnayan sa panukalang Bangsamoro Basic Law.

Satisfied aniya sila sa 75/25 na wealth sharing sa bubuuing Bangsamoro Region.

Pabor din ito sa bersyon ng Senado na mapasama sa Bangsamoro ang anim na bayan sa Lanao del Norte, 39 na barangay sa North Cotabato, Cotabato City at Isabela City sa lalawigan ng Basilan.

Iginiit ni Jaafar na dapat isama sa BBL ang mga probisyong naibigay na sa ilalim ng ARMM Law.

Samantala, tiiyak naman ni Senate Majority Leader Miguel Zubiri na hindi “watered down” ang Bangsamoro Basic Law na ipapasa ng Bicameral Conference Committee.

Sinabi ni Zubiri na napagkasunduan nila na hindi dapat alisin sa mga probisyon na lalamanin ng BBL ang mga naibigay na sa ilalim ng organic law nito na ARMM Law.

Read more...