PNP, itinuturing na ‘coincidental’ ang serye ng pagpatay sa mga lokal na opisyal
Itinuring ng Philippine National Police (PNP) na “coincidental” lamang ang magkakasunod na pagpatay kina Tanauan, Batangas Mayor Antonio Halili, General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote at Trece Martires, Cavite Vice Mayor Alexander Lubigan.
Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, wala silang nakikitang pattern at ugnayan sa pagpatay sa tatlong lokal na opisyal.
Sa kaso aniya ni Bote, asahan ang mahalagang developments matapos tanggalin ng mga imbestigador ang pulitika na posibleng motibo sa krimen.
Magkakaroon na aniya ng liwanag ang kaso ng pagpatay kay Bote hanggang sa susunod na lingo dahil mayroon nang tinututukan na lead ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Dagdag ni Albayalde, wala ring link ang pagpatay kina Halili, Bote at Lubigan sa umanoy destabilization plot laban sa administrasyong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.