Duterte hindi magbabago ang isip na bumaba sa pwesto sa 2022
Tiniyak ng Malacañang na hindi na mababago ang isip ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumaba sa puwesto sa taong 2022 o mas maaga pa.
Ito ay kahit na mabago ang kasalukuyang porma ng gobyerno sa Pederalismo.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kahit na may public clamor o malakas ang panawagan ng publiko na magkaroon ng ikalawang termino ay tatanggihan aniya ito ng pangulo.
Malinaw aniya ang mga pahayag ng pangulo na hindi siya mananatili sa puwesto ng lagpas sa 2022.
Nakahanda rin aniya ang pangulo na pangunahan ang transitory government kapag naipatupad na ang Pederalismo.
Sinabi pa ni Roque na nakahanda rin ang pangulo na maghatid ng komunikasyon sa kongreso para hilingin na ipagbawal sa presidente na muling tumakbo sa pagkapangulo sa 2022.
“But kung under the existing Constitution kung magkakaroon ng bagong Saligang Batas, then he can serve until 2019 under the ’87 Constitution or until the validity of the 1987 Constitution”, dagdag pa ni Roque.
Kanina ay naibigay na sa pangulo ang kopya ng draft na binalangkas ng Constitutional Committee na naatasang mag-aral sa pagpapalit ng porma ng pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.