Sa pag-aayuno idaan ng Simbahang Katolika ang mga nararanasang nitong mga pagbatikos mula kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa nangyayaring kaliwa’t kanang patayan na nangyayari sa bansa.
Sa pulong balitaan na pinatawag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa Maynila, giniit ng grupo na katuwang ng pamahalaan ang simbahan sa maraming adbokasiya partikular na ang pagtulong sa mga mahihirap.
Sinagot din ng CBCP ang paratang na makasalan ang mga namumuno sa Simabahang Katolika.
Ayon kay Caloocan City Bishop Pablo Virgilio David, ang simabahan ay bukas sa lahat pati sa mga makasalanan at hindi umano sila nagkulang para ituwid ang pagkakamali ng bawat isang kasama sa simbahan.
Aminado naman si CBCP President at Davao Bishop Romulo Valles na dumadaan ngayon sa pagsubok ang kanilang hanay at naniniwala siyang malalampasan nila ito sa tulong ng Diyos.
Pinasalamatan rin niya ang Malacañang dahil nananatiling bukas ang pintuan nito para sa pagkakaisa kasama ang simbahan.
Nanawagan rin si Bishop Valles sa publiko na isama sa kanilang mga panalangin ang mga lider ng simbahan gayun rin ang pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.