Grab naniningil na ng P100 na booking fee

By Den Macaranas July 09, 2018 - 03:57 PM

Naniningil na ang Grab Philippines ng booking fee na P100 sa kada biyahe ng kanilang mga unit.

Sinabi ni Bayaning Atleta Partylist Rep. Jericho Nograles na hindi otorisado ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang nasabing P100 charge.

Ipinaliwanag pa ni Nograles na malinaw na nagsasamantala ang Grab sa pangangailangan ng publiko lalo’t wala silang halos kalaban ngayon sa hanay ng Transport Network Companies (TNCs).

Para itago sa publiko ang nasabing dagdag singil ay naglalabas sila ng ilang mga promo tulad ng P100 discount na maiipon lamang ng isang pasaherong madalas gumamit sa serbisyo ng Grab.

Kaugnay nito ay hinamon ng mambabatas ang LTFRB na bigyan ng mabigat na parusa ang Grab dahil sa kanilang ginagawang panlilinlang sa publiko.

Madalas umanong kastiguhin ng nasabing kumpanya ang kanilang mga driver-partner na naniningil ng sobra samantalang sila naman ay ginagawa nilang legal ang overcharging sa publiko.

Idinagdag pa ni Nograles na aabot sa bilyong pisong halaga ng multa ang pwedeng singilin ng LTFRB sa Grab kung hahabulin lamang ang iligal na P2 per minute charge na iligal na sinisingil sa mga pasahero ng nasabing TNC.

TAGS: BUsiness, Grab, ltfrb, Nograles, over charging, BUsiness, Grab, ltfrb, Nograles, over charging

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.