Massive crackdown laban sa mga hired killers inilunsad ng PNP
Ipinag-utos ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde ang “massive crackdown” laban sa lahat ng gunf for hire at gun running sydicates sa bansa.
Kasunod ito ng sunud-sunod na pagpatay sa ilang mga lokal na opisyal sa loob laman ng nakalipas na linggo.
Sa kanyang press conferecence makalipas ang flag raising ceremony sa Camp Crame ay sinabi ni Albayalde na maglalatag sila ng operational plan para sa pagdurog sa mga armed syndicate sa bansa.
Inamin ni Albayalde na ang panukalang ito ay nagmula mula sa Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na naghayag na rin ng pagkabahala sa tumataas na antas ng kriminalidad sa mga nakalipas na araw.
Kasabay nito ay iniutos na rin ng opisyal ang dagdag na pagpapatrulya ng mga pulis sa mga lansangan 24-oras para sa kaligtasan ng publiko.
Muli ring hinikayat ni Albayalde ang mga opisyal ng pamahalaan na makipag-ugnayan sa kanyang tanggapan kapag sila at nakatanggap ng mga pagbabanta sa kanilang buhay.
Dahil nalalapit na ang simula ng campaign season para sa 2019 mid-term elections kaya pinaghahandaan na rin ang PNP ang pagtaas ng mga election-related crimes.
Mas dadalasan na rin ngayon ng mga pulis ang pakikipag-dayalogo sa mga komunidad para sa maiwasan ang kaguluhan habang papalapit ang panahon ng halalan ayon pa kay Albayalde.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.