Naghain ng panukala si Senator Leila de Lima na magbibigay ng insurance coverage at hazard pay sa lahat ng mga mamamahayag, partikular na ang mga itinatalaga sa conflict at disaster areas.
Sa Senate Bill No. 1860 ni De Lima nais nito na magkaroon ng karagdagang insurance benefits ang mga mamamahayag tulad ng disability, health at hospitalization benefits.
Nakapaloob sa kanyang panukala ang mga mamamahayag ay dapat may P350,000 disability benefits; P300,000 death benefits na mamamatay sa pagta-trabaho at hanggang P200,000 reimbursement ng pagpapagamot nito sakaling kailangan habang nasa tawag ng tungkulin.
Ipinapanukala din nito na bumuo at mag-alok ang Social Security System at Government Service Insurance System (GSIS) ng special insurance program para sa mga freelance journalists o ang mga mamamahayag na hindi regular na nagta-trabaho sa mga lehitimong media entities.