Sa weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 1,165 kilometers East ng Basco, Batanes.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 200 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 245 kilometers bawat oras.
Ayon sa PAGASA, kumikilos ang bagyo sa bilis na 30 kilometers bawat oras.
Sinabi ng PAGASA na palalakasin ng bagyong Gardo ang Habagat na maghahatid ng monsoon rains sa MIMAROPA, Western Visayas at occasional rains sa Metro Manila, Calabarzon, Bicol Region, Zambales, Bataan at Aurora hanggang bukas, araw ng Martes.
Simula sa Miyerkules, mas malaking bahagi pa ng Luzon ang maaapketuhan at uulanin na rin ng Habagat ang western section ng Luzon.
Sa Miyerkules ng umaga ay inaasahang lalabas ng bansa ang bagyo.