Thunderstorm advisory itinaas ng PAGASA sa Metro Manila
Itinaas ng PAGASA ang thunderstorm advisory sa Metro Manila, Bulacan at Pampanga.
Sa abiso ng PAGASA na inilabas alas 11:00 ng umaga, moderate to heavy rains na mayroong pagkulog at pagkidlat at malakas na hangin ang mararanasan sa Metro Manila at dalawang lalawigan sa susunod na 1 hanggang 2 oras.
Ang nasabing lagay ng panahon ay nararanasan din sa Bataan; sa Dasmarinas, GMA, Carmona, Bacoor, Imus, Tanza, at Gen. Trias sa Cavite; San Pedro at Binan sa Laguna; San Narciso, San Antonio, Castillejos, Olongapo, at Subic sa Zambales.
Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente na maging maingat sa posibleng flashflood at landslide.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.