6 na miyembro ng “Basag Kotse Gang” arestado sa Marikina

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 09, 2018 - 10:56 AM

Marikina City Police Photo

Naaresto sa Marikina City ang anim na miyembro ng Basag Kotse Gang.

Marikina City Police Photo

Nadakip ang mga suspek sa ikinasang follow up operation ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD).

Kasama din sa ikinasang operasyon ang mga tauhan ng Marikina City Police anti-carnapping group.

Ikinasa ang operasyon sa bahagi ng Barangay Tañong sa nasabing lungsod.

Kabilang sa nadakip ang apat na lalaki at dalawang babae na hindi pa pinangalanan ng Marikina Police.

Modus operandi umano ng anim na basagin ang salamin ng mga nakaparadang sasakyan at saka limasin ang mga gamit na nasa loob nito.

 

TAGS: Basag Kotse Gang, Marikina City, metro news, Radyo Inquirer, Basag Kotse Gang, Marikina City, metro news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.