Thunderstorm advisory itinaas ng PAGASA sa Bulacan at Pampanga

Credit: PAGASA

Itinaas ng PAGASA ang thunderstorm advisory sa Bulacan at Pampanga.

Sa abiso ng PAGASA na inilabas alas 10:10 ng umaga, moderate to heavy rains na mayroong pagkulog at pagkidlat at malakas na hangin ang mararanasan sa dalawang lalawigan sa susunod na 1 hanggang 2 oras.

Ang nasabing lagay ng panahon ay nararanasan din sa Maragondon at Ternate sa Cavite; Nasugbu, Lian, at Tuy sa Batangas; lalawigan ng Bataan at sa southern Zambales.

Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente na maging maingat sa posibleng flashflood at landslide.

 

Read more...